Booster shot vaccination sa bansa, matumal parin
Sa kabila ng mga naitatalang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatili paring matumal ang booster shot vaccination.
Sa datos ng Department of Health, nasa mahigit 14.8 milyon palang ang may 1st booster shot.
Gayong ang mga naturukan na ng primary vaccine ay nasa mahigit 70 milyon na.
Para naman sa 2nd booster na para lamang sa mga health workers, senior citizens at immunocompromised ay nasa 682 libo palang ang nakapagpaturok.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na huwag balewalain ang booster dose lalo at nagsisimula na ang waning effect o pagkabawas sa bisa ng bakuna.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: