Boracay, isasailalim ni Pangulong Duterte sa Land reform program. Itatayong Casino, ibinasura
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang Boracay Resort.
Sinabi ng Pangulo sa media interview sa Davao Airport bago lumipad patungong Boao Forum for Asia sa Hainan China na wala siyang binuong master plan para sa rehabilitasyon ng Boracay bilang world class resort.
Ayon sa Pangulo ang iniutos niyang anim na buwang closure ng Boracay ay para linisin ang Isla sa pinasalang idinulot ng mga hotel owners.
Inihayag ng Pangulo na isasailalim niya sa land reform program ang buong isla ng Boracay.
Niliwanag ng Pangulo na ang Boracay ay lupa ng gobyerno at isang itong agricultural land kaya malaya siyang isailalim ito sa land reform program at ibalik sa mga magsasaka ang lupa para pagtaniman ng makakain.
Mariing tinutulan din ng Pangulo ang planong pagtatayo ng Casino sa Boracay.
Magugunitang mismong ang Pangulo ang nakakita sa pagkasira ng Boracay island dahil sa napakaraming mga tourist establishment na itinayo sa isla.
Ulat ni Vic Somintac