Boracay Island, itinuturing na ngayong “Smoky Island with a Beach” dahil sa bundok ng mga basura

                                     photo credit: getty images

Mistula nang Smoky Island with a Beach ang paglalarawan ng Department of Interior and Local Government o DILG sa Boracay Island dahil sa ga-bundok na basura.

Sa panayam ng programang Eagle in Action, sinabi ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing na matapos nilang makita ang aerial view ng sanitary landfill ng isla, halos bundok na ito ng mga basura.

Sa katunayan aniya, sa 92 hanggang 115 tonelada ng basurang nakukuha sa isla araw-araw, aabot lamang sa 30 tonelada ang nailalabas sa isla.

Karamihan sa mga basurang ito ay human-produced garbage dahil sa sobrang dami ng mga taong nagtutungo at naninirahan na doon.

At ito ay resulta ng  failure of governance, hindi lamang ang lokal na pamahalaan ang nagkaroon ng kapabayaan kundi maging ang mga negosyante, mga empleyado at mga residente ng isla.

Ang kalamidad na nangyayari ngayon sa Boracay ay human-induced hazzards. Kaya nagkakaroon ng kalamidad ngayon sa island ay dahil sa sobrang dami ng tao, sobrang dumi na kanilang inilalabas at hindi na-manage ng husto”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *