Boracay rehabilitation, dapat magsilbing eye-opener sa mga LGU’s para matiyak ang proteksyon sa mga tourist spots

 

Dapat magsilbing eye opener sa mga lokal na pamahalaan ang nangyari sa Boracay upang matiyak na napo-protektahan ang mga tourist spots sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, matapos ang rehabilitasyon sa Boracay, nakatutok sila ngayon sa Palawan.

Ito ay ayon na rin sa direktiba ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at DENR secretary Roy Cimatu na simulan na ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Palawan upang matiyak na environmental compliant ang mga resort doon.

May mga natuklasan aniya silang mga paglabag partikular sa mga resort sa El Nido at Coron, Palawan.

Bukod sa Palawan, sinimulan na ring tutukan ng DENR ang Panglao island sa Bohol at Siargao sa Surigao del Norte.

Yung ginawa natin sa Boracay, yun din ang ating magiging template. Maganda rin ang nangyari sa Boracay dahil magsisilbi itong eye-opener to all our Local government units at ipapasara rin ang mga resort o tourist destinations kung hindi sila makakapag-comply”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *