Border reopening, isinapinal na ng Venezuela at Colombia
Binuksan nang muli ng Venezuela at Colombia ang huling bahagi ng kanilang hangganan, na ilang taon nang nananatiling sarado sanhi ng diplomatic dispute na ngayon ay naayos na sa ilalim ng bagong liderato.
Bumusina ang mga sasakyan at iwinagayway ng mga lulan nito ang mga bandila habang binabagtas ng mga sasakyang may mga plaka mula sa Venezuela at Colombia, ang tulay ng Atanasio Girardot sa lugar, na hinarangan noon ng containers sa gitna ng matinding tensyon.
Ang naturang tulay na kilala rin sa tawag na Tienditas, ang natitira na lamang na hindi maraanan simula nang ibalik ng dalawang bansa ang kanilang diplomatic ties noong nakaraang taon.
Ang mga awtoridad mula sa dalawang bansa ay nagsuot ng puting guayaberas at may dalang mga lobo sa mga kulay ng kanilang mga watawat — dilaw, asul at pula — upang pasinayaan ang pass sa isang seremonya.
Ang dalawang bansa ay magka-share sa 2,200-kilometro o 1,350-milyang hangganan, na may mga nakabantay na armadong grupo na lumikha ng kaguluhan dahil sa paglalaban kaugnay na illegal trades gaya ng frug trafficking at smuggling.
Ang hangganan ay bahagyang isinara pitong taon na ang nakalilipas, at ganap na hinarangan noong 2019 nang putulin ng noo’y pinuno ng Venezuela na si Nicolas Maduro, ang diplomatikong relasyon matapos kuwestiyunin ng Colombia sa ilalim ng noo’y presidente na si Ivan Duque ang muli niyang pagkaka-halal noong 2018.
Maraming mga bansa kabilang na ang Estados Unidos, ang hindi kumilala sa tagumpay ni Maduro sa isang eleksiyon na malawakang kinokondena na may dayaan.
Pagkaupo naman sa puwesto, ay agad na hinangad ng unang left-wing president ng Colombia na si Gustavo Petro, na muling itatag ang ugnayan ng dalawang bansa at isulong ang muling pagbubukas ng hangganan.
Noong September 26, pinayagan nang dumaan sa border crossing na bukas lamang sa pedestrians, ang mga trak na may dalang goods. Bumalik na rin ang air links simula noon.
Umaasa ang dalawang bansa na muling mapasigla ang kalakalan, na umabot sa $7.2 bilyon noong 2008, ngunit bumagsak mula noon.
Ang border crossing na nagdurugtong sa mga siyudad ng Urena sa Venezuela at Cucuta sa Colombia, ay hinarangan ng mga container na inilagay doon ng Venezuelan army.
Ang Venezuela ay dumanas ng mga taon ng krisis pang-ekonomiya, na naging sanhi ng paglala ng kahirapan at pag-alis ng milyun-milyong katao na ang karamihan ay nanirahan sa Colombia.
Ang Venezuela ay isa sa mga guarantor ng peace negotiations sa pagitan ng Colombian government at ELN guerilla group. Ang layunin ay upang magkaroon ng isang peace agreement gaya ng nilagdaan noong 2016 sa Revolutionary Armed Forces of Colombia, o FARC.
Noong Sabado ay inanunsiyo ni Petro ang isang ceasefire agreement sa ELN at iba pang armadong grupo mula Enero 1 hanggang Hunyo 30.
© Agence France-Presse