Bowie estate ibinenta ang songwriting rights sa Warner
Ipinagbili ng estate ni David Bowie ang publishing rights ng kanilang “entire body of work” sa Warner Chappell Music.
Hindi ibinunyag ng Warner Chappell ang financial terms ng kasunduan, ngunit ayon sa trade publications ang price tag ay tinatayang mas mataas kaysa $250 million.
Nitong mga nakalipas na taon ay nagkaroon ng serye ng bilihan ng music rights, na ang ilan ay mula sa superstars na sina Bruce Springsteen, Bob Dylan at Tina Turner.
Ang naturang trend ay dulot ng inaabangang pagiging matatag ng streaming growth at mababang interest rates at “dependable earning projections” para sa “time-tested hits.”
Kabilang sa Bowie deal ang daan-daang mga kantang nakapaloob sa anim na dekada nang career ng glam rock pioneer na si Bowie, gaya ng “Space Oddity,” “Changes,” “Life on Mars?” at “Heroes.”
Ayon sa head ng WCM na si Guy Moot . . . “All of us at Warner Chappell are immensely proud that the David Bowie estate has chosen us to be the caretakers of one of the most groundbreaking, influential, and enduring catalogs in music history. These are not only extraordinary songs, but milestones that have changed the course of modern music forever. Warner now houses Bowie’s work as a songwriter as well as a recording artist.”
Ang anunsiyo ay ginawa bago ang ika-75 kaarawan ni Bowie sa January 8, at ika-anim na taong anibersaryo ng kaniyang pagkamatay noong January 10.