Breakdancing, isa sa bagong sports sa Paris Olympic games 2024

In this file photo taken on November 9, 2019 Brazil’s breakdancer Mateus de Sousa Melo aka Bart competes during the Red Bull BC One, the breakdance one-on-one battle world championship in Mumbai. (Photo by Lionel BONAVENTURE / AFP)

LAUSANNE, Switzerland (AFP) – Isa ang breakdancing sa apat na bagong sports kasama ng skateboarding, surfing at sport climbing na binigyan ng go signal para makasama sa 2024 Paris Games.

Ang apat na sports ay kabilang sa kinumpirma ng International Olympic Committee (IOC) executive board para makasama sa Paris 2024 programme.

Ang Skateboarding, sport climbing at surfing ay una nang naidagdag sa programa para sa 2020 Tokyo Olympics, na inilipat sa 2021 matapos ma-postpone dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Thomas Bach, pangulo ng IOC, na ang introduction ng breakdancing ay “isa sa mga resulta ng Olympic Agenda 2020.”

Aniya, malinaw ang kanilang prayoridad na i-introduce ang sports na popular partikular sa nakababatang henerasyon at ikonsidera ang urbanisasyon nito.

Ang breakdancing na lumaki kasabay ng hip hop sa South Bronx ng New York noong 1970s at opisyal na kilala sa sport terms bilang “breaking,” ay nasaksihan sa 2018 Youth Olympics sa Buenos Aires.

Si Sergei Chernyshev ng Russia, na lumahok gamit ang palayaw na “Bumblebee,” ang nagwagi ng unang breakdancing gold medal para sa mga lalaki sa naturang event, habang si Ramu Kawai naman ng Japan ang nagwagi sa mga babae.

Netherlands’ breakdancer Menno Van Gorp aka Menno (brown clothes) competes against Russia’s breakdancer Chernyshev Sergei aka Bumblebee (white shirt) during the Red Bull BC One, the breakdance one-on-one battle world championship on 09 November, 2019 in Mumbai. 
Lionel BONAVENTURE / AFP

Sinabi naman ni Shawn Ty, presidente ng World Dance Sport Federation (WDSF), na ang pagkakabigay ng go signal sa breakdancing na mapasama sa Olympic, ay isang “historic occasion” hindi lamang para sa break boys at break girls kundi para sa lahat ng dancers sa buong mundo.

Aniya, dodoblehin ng WDSF ang pagsisikap para ang breaking competition sa 2024 Olympic Games sa Paris, ay maging “unforgettable.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us: