BREAKING: Ilang bahagi ng Anti- Terror law, idineklarang labag sa Saligang Batas ng SC

Hindi labag sa Konstitusyon ang karamihan sa mga kinuwestiyong probisyon ng mga petitioners sa Anti- Terrorism Act (ATA).

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, “not unconstitutional” ang iba pang challenged provisions ng Anti- Terror law.

9

Sinabi ng SC PIO na ang main ponencia o ruling at iba pang opinions ay naglalaman ng mga interpretasyon na ang ilan sa mga probisyon ng batas ay “not unconstitutional.”

Gayunman, idineklarang labag sa Saligang Batas ang dalawang bahagi ng ATA.

Partikular na unconstitutional sa botong 12-3 ang qualifier sa proviso sa Section 4 ng batas dahil sa pagiging overbroad at violative ng freedom of expression.

Ang Section 4 ay ukol sa depenisyon ng terorismo.

Isa pang unconstitutional sa botong 9-6 ang second method para sa designation sa Section 25 paragraph 2 ng ATA.

Hinimok naman ng SC PIO ang mga partido at publiko na hintayin ang paglabas ng desisyon at basahin ang ruling at separate opinions para sa paliwanag sa mga boto.

Noong Martes, Disyembre 7 ay pinagbotohan ng SC justices sa kanilang en banc session ang ATA case.

Iba’t ibang procedural at substantive issues ang tinalakay at pinagbotohan ng Korte Suprema.

Umabot sa 37 petisyon ang inihain sa SC para ipatigil at ipawalang-bisa ang Anti-Terror law.

Moira Encina

Please follow and like us: