Breaking News: Bulkang taal, itinaas sa Alert level 3
Itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal matapos maganap ang phreatomagmatic plume na may taas na 1-kilometro na ibinuga ng bulkan bandang 3:16 PM ngayong hapon. Makikita sa monitoring video ng Phivolcs mula mismo sa Main Crater Station ng bulkan ang nasabing pangyayari.
Ayon sa Phivolcs, nangangahulugan ito na may magmatic intrusion sa Main Crater na maaaring maging sanhi ng mga susunod pang eruptions.
Mahigpit na inirerekumenda ng Phivolcs ang paglilikas sa mga taong maaaring nasa Volcano Island at sa mga high-risk barangays sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.