Covid-19 cases sa bansa, umakyat na sa 209,544
Umakyat na sa 209, 544 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid -19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,999 na mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 2, 097 cases.
Sinundan ng Laguna na may 178 new cases, Cavite na may 138 new cases, Batangas na may 132 new cases at Cebu na may 125 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 510 na bagong gumaling mula sa Covid-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 134, 474 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
May 91 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito, 55 ang nasawi ngayong Agosto, 33 noong Hulyo, dalawa noong Hunyo, at isa noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,325 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 36 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng nagpapatuloy na validation at paglilinis ng listahan ng mga nag-positibo sa virus.
-Madz Moratillo