BREAKING: Sunog sa Data Center ng Korte Suprema, sumiklab
ItInaas sa first alarm ng Manila City Fire Department kaninang 6:05 ng umaga ang sunog sa isang tanggapan sa Korte Suprema.
Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka na ang insidente ng sunog ay naganap sa Data Center ng Korte Suprema.
Ang nasabing opisina aniya ay matatagpuan sa Centennial Building ng SC na lumang gusali nito sa kanto ng Padre Faura St. at Taft Avenue sa Maynila.
Sa impormasyon natanggap ni Hosaka, pumutok ang UPS ng Data Center ng SC MISO.
Pero batay aniya sa BFP confined at controlled na ang sunog.
Ngayong araw ay inaasahan ding ilalabas ng SC ang resulta ng kauna-unahang localized at computerized bar exams.
Ang anunsiyo ng resulta ay isasagawa sa Dignitaries Lounge sa SC New Building.
Sinabi ni Hosaka na sa ngayon ay walang pagbabago sa iskedyul ng paglalabas ng bar exams resulta ngayong araw.
Naka-setup na sa SC quadrangle ang videowall kung saan ipapakita ang pangalan ng mga bar passers.
Moira Encina