Breakthrough infection sa mga fully vaccinated na kontra Covid-19, wala pa sa 1 porsyento – FDA
0.0017% lamang ng mahigit 13.8 milyong fully vaccinated na indibidwal sa bansa ang tinamaan pa rin ng Covid-19 makalipas ang 14 araw mula ng maiturok ang kanilang second dose.
Ang isang indibiwal ay itinuturing na fully vaccinated makalipas ang 14 na araw mula ng maturukan ng pangalawang dose ng Covid-19 vaccine.
Habang ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa 33.3 milyong doses ng Covid 19 vaccine na naiturok sa bansa, 0.18% lamang ang nakitaan ng suspected adverse reactions.
Sa bilang na ito, 0.006% ang naiulat na nagkaroon ng serious adverse reaction.
Sa kabila ng mga ito, iginiit pa rin ni Domingo na mas malaki ang benepisyo na naibibigay ng Covid 19 vaccine kaysa panganib nito.
Muli ring tiniyak ni Domingo na ligtas ang mga COVID 19 Vaccine na ginagamit ngayon sa bansa.Pero paalala ni Domingo, kasabay ng bakuna kailangan ding sumunod sa minimum public health standards para masiguro ang proteksyon ng isang indibiwal.
Madz Moratillo