Breastfeeding Activity na tinawag na “HAKAB NA, 2017”, dinaluhan ng halos dalawang libong mga nanay kasama ang kanilang mga sanggol
Batay sa Republic Act 10028 o mas kilala bilang Expanded Breastfeeding promotion Act of 2009, ipinagdiriwang ang Breastfeeding awareness month tuwing Agosto.
Ang selebrasyon ay naglalayong lalung maitaas ang Public Awareness tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding at ito ay maipalaganap sa buong bansa.
Kaugnay nito, isinagawa ang breastfeeding activity na tinawag na “Hakab Na, 2017”.
Ayon kay Abigail Co, Presidente ng Breastfeeding Pinay, ang Hakab ay tagalog ng salitang “Latch” na ang ibig sabihin ay pagpapasuso ng sanggol sa dibdib ng ina.
Ang pagdiriwang ng Hakab ay ginagawa taun-taon sa pangunguna ng Breastfeeding Pinay na isang non-governmental organization katuwang ang Department of Health o DOH.
Umabot sa halos dalawang libong mga breastfeeding moms ang dumalo sa nasabing event dala ang kanilang mga sanggol at dito ay muling binigyang-diin ang kasabihang “Breastmilk is still best for babies”.
Sinabi pa ni Abigail Co: “Ang pagpapasuso at ang breastmilk ang pinakamagandang nutrisyon sa lahat ng mga infants at wala nang papantay pa sa breastmilk…ibig sabihin ang mga formula milk ay ginagaya ang breastmilk pero hindi ito kasing ganda at hindi yun papantay sa breastmilk. Ang breastmilk ay mayroong anti-bodies para makaiwas sa sakit. Ang timpla ng gatas ng ina ay sapat para sa edad ng kaniyang anak, ibig sabihin, nagbabago ang timpla ng breastmilk depende sa edad ng anak at ng sitwasyon. Ibig sabihin, kapag mainit ang panahon, mas maraming tubig ang breastmilk at kapag malamig naman ang panahon, mas kaunti ang tubig ng breastmilk kaya nag-a-adjust ang breastmilk sa mga sanggol”.
Ayon naman kay Health secretary Paulyn Ubial: ” Ang breastmlik ay Best for babies. Alam nyo ba na kapag hindi na breastfeed ang mga bata, sila ay nagkakaroon ng mataas na risk sa mga sakit gaya ng diabetes at mga heart problems ganundin ang mga Lung issues, allergies at ang maganda pa sa breastfeed, ito ay very convenient for the mothers at ito ay Ecological, ibig sabihin, walang basura at syempre ang breastmilk ay laging andyan…we don’t have to worry looking for a clean water at pagbili pa ng mga sterilized bottles. Ay syempre, ang breastmilk ay itinuturing bilang first immunization of the babies dahil meron itong anti-bodies na mabisang pananggalang sa mga bacteria at viruses”.
(Ulat ni Belle Surara)