Breastfeeding hindi lang sa baby may benepisyo kundi maging sa ina ayon sa mga eksperto

 download
courtesy of wikipedia.org

Madalas nating naririnig na “mothers milk is best for baby” at totoo naman ito dahil sa pinatunayan na ito ng maraming mga pag aaral tungkol sa benepisyong dulot ng gatas ng ina sa isang sanggol.

Ngunit alam ba ninyo na sa mga bagong pag aaral tungkol sa gatas ng ina, hindi lamang sa mga sanggol may benepisyong dulot ang breast milk kundi mismo sa isang inang nagpapa breastfeed.

Kabilang dito ang pagbaba ng tyansang magkaroon ng mataas na blood pressure at sugar level matapos manganak.

Bumababa rin ang panganib sa  pagkakaroon ng heart disease ng halos 10 porsiyento kumpara sa isang ina na hindi nagpapa breastfeed.

Kaya naman, patuloy ang paghihikayat ng mga eksperto sa mga ina na magpa breastfeed ng tuloy tuloy sa loob ng anim na buwan at makatitiyak ng isang malusog na sanggol at malusog na ina.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *