Breathing pattern, maaaring gawin para malaman, kung posibleng napasok na ang ating baga ng virus na nagiging sanhi ng COVID-19
Marami na tayong nabasa, napanood, at napakinggang mga tips tungkol sa mga paraan ng pag-iwas na mahawaan ng COVID-19.
Bukod sa dapat nating gawin ang tamang paraan ng paghuhugas ng mga kamay, pagsusuot ng facemask at face shield, at pagsunod sa social distancing, paano pa nga ba magiging safe ang isang indibidwal laban sa virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19?
Si Jerry Carual, founder at presidente ng Search and Rescue Unit Foundation (SARUF), ay may ibinahaging paraan na aniya ay ginagawa mismo ng mga doktor, frontliners at iba pang healthcare workers na nagkaroon ng close contact sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, at mayroon din siyang ibinahaging isang paraan kung paano naman malalaman ng isang tao, na posibleng tinamaaan na nga siya ng virus.
Ang SARUF ay katuwang ng pamahalaan sa rescue operations kapag nagkakaroon ng mga kalamidad. Ito ay orihinal na isang unit sa militar na ginawang civilian foundation ni Carual.
Binubuo ito ng mga aktibo, reserba at retirado nang military personnel, mga pulis, mga doktor, mga guro, IT experts at mountaineers.
Sinabi ni Carual na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya ng sakit at hindi nakikita ang kalaban, mahalagang makinig sa mga patuntunnang ibinibigay ng gobyerno, at maging bukas ang isipan sa lahat ng pwedeng gawin na pangunahing makapagliligtas suna na sa ating pamilya.
Importante rin aniya ang mga basic at practical knowledge, upang mai-apply ito habang nasa bahay. Dapat ding may tiwala sa isat isa ang bawat miembro ng pamilya, dahil kalaban din ng maysakit ang lungkot, stress at isolation o pagkahiwalay sa lipunan. Nagiging sanhi na rin aniya ang covid para maging paranoid ang mga tao.
Gayunman, sinabi ni Carual na may maganda ring naging consequence ang pandemya dahil naging malapit tayo sa ating pamilya, at nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding, kung saan ang ating mga nakikita kahit sa internet ay naidi-discuss sa pamilya, at napag-uusapan ang mga bagay na pwedeng maging proteksyon o maging diskarte para protektahan ang pamilya laban sa sakit.
Aniya, bago tayo magsuspetsa na dinapuan tayo ng virus na nagiging sanhi ng sakit na COVID-19, ay gamutin muna natin ang orihinal na sakit.
Halimbawa aniya, ang simpleng lagnat, sipon at pangangati ng lalamunan ay hindi dapat agad ipaghinalang covid na. Dapat aniyang maging open minded at matalas sa pag-analisa. Kailangan aniyang maunawaan ang sakit na karaniwan nating nararanasan gaya ng lagnat. Kaya kung makaranas ng lagnat ay huwag agad magsuspetsang covid ito, kundi ang gawin ay gamutin muna ito agad.
Pero, ang pinakamainam aniyang gamitin ay ang mga herbal gaya na lamang ng herbal antibiotic na bawang, at lahat ng pwedeng nasa bahay na hindi chemical base. Alamin at bantayan din ang mga kinakain natin, kung iyon ba ay pwedeng makapagbigay sa atin ng proteksyon para hindi magkasakit.
Samantala, may tinukoy si Carual na isang uri ng pamamaraan na aktwal na ginagawa ng mga taong humaharap o nagkakaroon ng close contact sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, gaya ng mga frontliner at mga responder.
Ang pamamaraang ito ay maaari aniyang gawin kung sakaling tayo ay makaramdam ng pagbabago sa ating sarili, na sinasabing basehan o sintomas ng COVID-19 na kaiba sa ordinaryong pakiramdam gaya ng pagkawala ng pang-amoy o panlasa.
Aniya, ayon sa mga frontliner at mga doktor na mismong humaharap at may close contact sa mga covid patients, nag-uumpisa ang pag-atake ng virus sa likod ng ilong o sa gitna halos ng ulo, dahil ito ang pinaka malamig na bahagi sa kabuuan ng ulo. Dito muna mananatili ang virus.
Sinabi ni Carual, na ayon sa ibinahagi sa kaniyang karanasan ng mga responder, frontliner at doktor, sa tuwing matatapos ang kanilang duty ay gumagamit sila ng hair dryer. Inilalagay ang setting sa kaya nilang init at sa distansiyang 4-inches ay binubugahan nila ng mainit na hangin ang kanilang ilong, na sinasabayan din nila ng paghigop dito. Pagkatapos ay susundan nila ito ng pag-spray ng tubig na galing sa gripo, para proteksyunan ang kanilang balat laban sa posibleng pagkairita o pagkapaso. Nagbibigay aniya ng malaking ginhawa ang ganitong paraan.
Kung ang hinala naman ay umabot na ang virus sa lalamunan, ay agad na uminom ng mainit na salabat na isa sa pinakamabisang herbal solution na walang kemikal.
Nagbahagi rin si Carual ng isang paraan upang malaman kung tayo ay dinapuan na ng virus, na natutunan din niya sa healthcare workers. Ito ang tinatawag na breathing pattern o pag testing sa ating paghinga.
Narito ang paraan. Humigop ng hangin at pigilin ang paghinga. Magbilang ng hanggang lima bago pakawalan ang pinigil na hangin. Ulitin ito ng tatlong beses. Sa ikatlo at huling ulit ay piliting umubo. Ang pamamaraang ito ay pinakamainam gawin habang nakayuko, kung saan nakaangat ang baga kaya maluwag ito.
Kapag nahirapan ang isang tao na gawin ang breathing pattern na ito, laluna kung sya ay napaubo sa unang pagtatangka pa lamang na pigilan ang kaniyang paghinga ay dapat nang agad na magpatingin sa isang manggagamot, upang maanalisa ng doktor ang kaniyang lagay.
Sa pangkalahatan ay sinabi ni Carual na dapat laging maging alerto, at huwag kalimutan ang paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alcohol. Kung galing sa labas ay agad na maligo pagdating ng bahay. Kung gagamit ng alcohol, agad na pagkuskusin ang mga kamay na parang naghuhugas din matapos mag-spray dahil mabilis itong mag-evaporate sapagkat ang alcohol ay volatile o sumisingaw at mabilis na sumasama sa hangin. Wala aniyang saysay kung basta lamang ito i-i-spray sa mga kamay.
Dagdag pa niya, isa sa pinaka matinding carrier ng virus ay ang cellphone dahil araw araw natin itong hawak hanggang sa paglabas ng bahay. Naipapatong din natin ito kung saan saan, pagkatapos ay hahawakan natin ulit. Pagdating sa bahay ay maaaring mahawakan din ito ng iba pang miembro ng ating pamilya, na magiging sanhi na ng transmission ng virus.
Liza Flores