Brgy at SK elections posibleng hindi rin matuloy sa susunod na taon – Rep. Tugna

Hindi rin inaalis ni House Suffrage and Electoral Reforms Committee Chairman Sherwin Tugna ang posibilidad na hindi pa rin matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

Ginawa ni Tugna ang pahayag kasunod nang pag-apruba ng Kamara sa postponement ng halalang pambarangay ngayong taon.

Ayon sa Kongresista, ito’y dahil na rin sa pag-amin ni Pangulong Duterte na hindi kayang tapusin ang problema sa iligal na droga sa ilalim ng kanyang termino.

Ang problema sa illegal drugs ang isa sa dahilan kung bakit iniurong ang Barangay at SK elections sa Mayo ng susunod na taon sa halip na ngayong Oktubre.

Gayunpaman, sinabi ni Tugna na masyado pang maaga para pag-usapan.

Ikinukonsidera rin naman aniya ng mga mambabatas ang pagbalanse ng mga interes kaya depende sa magiging sitwasyon sa hinaharap kung ano ang magiging desisyon nila pagdating ng 2018.

Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *