Brigada Eskwela sinimulan na ng DEpEd

Sinimulan na ng Department of Education ang brigada eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskwelahan sa august 29.

Sa kick off ceremony ng brigada eskwela sa commonwealth elementary school, tulong tulong na kinumpuni ng mga magulang at guro ang mga sirang upuan, blackboard at pintuan ng mga classroom.

Winalis at pinunasan rin ang mga bintana at upuan at itinapon ang mga nakatambak na basura

“Makabuluhan po ang brigada eskwela sa mga public school kasi ito ang paraan para maipakita na kasangkot sila paangatin ang antas ang kalidad ng pag aaral ng mga estudyante. Isipin na ang bawat maging handa ligtas at maayos ang pagbabalik nila sa mga eskwelahan.” pahayag ng school principal Wilma Cunanan Manio.

Ayon kay manio, ang commonwealth elementary school ay kabilang sa may pinakamalaking populasyon ng mga estudyante sa buong bansa.

Sa ngayon umaabot na aniya sa mahigit 7, 600 ang mga mag aaral na nagpa enroll para sa school year 2022-2023

Inaasahan pa aniyang madadagdagan ito dahil nakaugalian na ng mga magulang na magpa enroll ng mga anak kapag malapit na ang pagbubukas ng klase

Umaga at hapon ang klase ng mga bata dito pero ang kindergarten hinati sa apat na oras.

Pagtiyak ng principal may sapat naman silang bentilasyon at pinaiiral pa rin nila ang mga protocol sa kalusugan para maiwasan na kumalat ang anumang nakakahawang sakit kabilang na ang covid 19 pandemic

Hindi na rin nila pinapayagan ang online classes at mandatory na ang face to face classes.

“Kailangan pong mag face to face na tayo kasi nakita po namin na napakaraming dapat habulin sa mga estudyante lalo na sa pagbasa na matutukan po ng mas higit pag aaral sakaling sila ay nasa loob ng paaralan at may personal na pakikipagtalastasan sa mga guro.” dagdag pa ni Manio

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *