Brogdon napiling Sixth Man of year ng NBA
Pinangalanan bilang NBA Sixth Man of the Year, ang Boston Celtics guard na si Malcolm Brogdon bilang nangungunang reserba ng liga.
Si Brogdon, na kinuha ng Eastern Conference champion na Celtics sa offseason, ay tumanggap ng 60 mula sa 100 first-place votes para talunin ang New York Knicks guard na si Immanuel Quickley sa botohan para sa award.
Sa isang panayam nang inanunsiyo ang award ay sinabi ni Brogdon, “This is such an honor. It’s definitely been a transition for me, coming from Indiana to Boston. But I’m with a great organization, I have great teammates, a great coaching staff.”
Si Brogdon ang naging pangalawang manlalaro na nanalo ng parehong Sixth Man of the Year at Rookie of the Year, at kasama na siya ni Mike Miller na itinanghal ding Rookie of the Year noong 2017.
Bago siya nakuha ng Celtics ay sinimulan ni Brogdon ang bawat laro niya sa nakaraang apat na season, kasama ang Indiana Pacers at Milwaukee Bucks.
Sa season na ito ay lumabas siya sa bench sa lahat ng 67 laro, ngunit sinabing, “playing behind Jayson Tatum and Jaylen Brown “proven All-Stars and soon-to-be All-NBA guys, it’s been a good fit for me.”
Si Brogdon ay may average na 14.9 points, 4.2 rebounds at 3.7 assists kada laro para tulungan ang Boston na tapusin ang regular season, na may pangalawang pinakamahusay na record sa liga sa likod ng Bucks.
© Agence France-Presse