BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin Shoal may panukalang pondohan ng Senado
Handa ang senado na pondohan ang pagsasaayos ng BRP Sierra Madre na naka istasyon ngayon sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea
Ayon kay senate president Juan Miguel Zubiri, pabor siya na tustusan ang mga panukalang ayusin ang barko para itaboy ang mga chinese coastguard.
Paghahanda na rin aniya ito sa anumang kalamidad na maaaring maglagay sa panganib sa mga sundalo na nasa isla.
Sa Setyembre inaasahang matatalakay ang pambansang budget at ayon kay Zubiri kung hihingi ng pondo ang Armed Forces of the Philippines para sa refirbish ng barko hahanapan ito ng pondo ng senado
Sinusuportahan ng iba pang mambabatas ang repair ng barko dahil ito ang nagsisilbing presenya ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone.
Nauna nang iginiit ng chinese embassy na ang ayungin shoal na tinatawag nilang ren ai jiao ay bahagi ng kanilang teritoryo
Pero ang ayungin shoal ay nasa 194 kilometers ng Palawan na sakop ng Exclusive Economioc Zone ng pilipinas.
Meanne Corvera