BSKE sa Negros Oriental ipinasususpinde ni Sen. Tolentino
Nais ni Senador Francis Tolentino na suspendihin ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental.
Ginawa ni Tolentino ang rekomendasyon sa harap ng kasalukuyang peace and order situation sa lalawigan.
Sinabi ni Tolentino na magkakaroon ng malakas na momentum ang peacekeeping forces sa lalawigan kung ipagpapaliban ang halalan doon.
Nababahala ang mambabatas sa kasalukuyang political situation sa Negros Oriental dahil posibleng magresulta ito sa mas matinding karahasan.
Suportado naman ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang mungkahi ni Tolentino.
Sinabi ng Alkalde na makakatulong ito para kumalma ang political climate sa lalawigan
Pinai-imbitahan naman ni Tolentino sa susunod na hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia para sa posisyon ng poll body sa mungkahi.
Meanne Corvera