BSP binalaan ang publiko laban sa financial institutions na ginagamit ang pangalan at logo nito
Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga tao, grupo, o kumpanya na ginagamit ang pangalan at logo ng central bank at nagpapakilalang sertipikado ng BSP ang kanilang produkto.
Inihalimbawa ng BSP ang entity gaya ng G7Digibanc/DigiBank at ang mga kinatawan nito.
Ayon sa BSP, huwag paniwalaan ang mga misrepresentation ng nasabing kumpanya at huwag tangkilikin ang anumang product offering o pinansyal na transaksyon sa mga ito.
Sinabi ng BSP na makikita sa website nito ang listahan ng mga financial institution na licensed at supervised ng central bank.
Hinimok din ng BSP ang publiko na iulat sa kanilang Consumer Protection and Market Conduct Office ang mga gumagamit sa kanilang logo at pangalan.
Moira Encina