BSP binalaan ang publiko laban sa websites na gumagamit ng logo at pangalan nito
Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na iulat sa kanila ang mga websites na gumagamit sa pangalan at logo nito.
Sa abiso ng BSP, pinaalalahanan nito ang publiko na maging mapanuri sa mga pekeng websites na nagpapakilalang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, hindi ito kailanman manghihingi ng personal at financial information sa sinuman.
Dahil dito, pinayuhan ng central bank ang mga tao na huwag magbibigay ng personal na impormasyon at huwag makikipag-transaksiyon sa nasabing websites.
Maaaring i-report ang mga ito sa BSP Consumer Protection and Market Conduct Office.
Moira Encina
Please follow and like us: