BSP biniberipika ang mga ulat ng sinasabing pekeng 1000 pisong salaping papel
Inabisuhan ng BSP ang publiko na maging mapagbantay sa mga natatanggap na salaping papel sa pamamagitan ng pagsuri sa mga security features nito.
Ito ay sa harap ng mga kumakalat sa social media at messaging apps na sinasabing counterfeit na 1000-piso New Generation banknotes na may parehong serial number at nagtatapos lahat sa -2507.
Ayon sa BSP, biniberipika na ng central bank ang mga nasabing reports.
Nagbabala ang central bank na ang lahat ng responsable sa paggawa at pagkalat ng mga fake na perang papel ay iimbestigahan at kakasuhan.
Hinimok din ng BSP ang publiko na huwag nang ipakalat, i-share o i-repost online ang picture at ang kasamang mensahe ng umano’y fake banknotes partikular kung ito ay para sa malisyosong layunin.
Nanawagan din ang central bank na iulat sa kanilang Payments and Currency Investigation Group ang mga taong sangkot sa pag-manufacture at pagpapakalat ng pekeng pera.
Moira Encina