BSP, buo ang commitment na mapanatili ang balanse sa stimulus sa ekonomiya
Buo ang commitment ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mapanatili ang balanse sa pagbibigay nang sapat na stimulus sa ekonomiya habang iniiwasan ang pagsirit ng inflation rate.
Sinabi ito ni BSP Governor Benjamin Diokno bago pa man ang kanilang monetary policy-setting meeting sa Pebrero 17.
Ayon kay Diokno, sa pamamagitan nang “accommodative” monetary policy at “extraordinary” measures ng central bank ay natiyak ang pagkakaroon ng sapat na liquidity sa financial system.
Dahil dito, gumulong aniya ang domestic economic activity sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, sinabi ng BSP na ang liquidity-easing measures nila bilang tugon sa pandemya ay umabot na sa P 2.3 Trillion o nasa 12.03 percent naman ng Gross Domestic Product.