BSP Gov. Diokno, nagpasalamat sa pagpili sa kanya bilang susunod na finance chief

Tinanggap ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang alok sa kanya ni President-elect Bongbong Marcos Jr. para maging susunod na finance secretary.

Ayon kay Diokno, karangalan na mapagsilbihan ang sambayanang Pilipino.

Binigyang-diin ni Diokno ang importansya ng pagpapatuloy ng mga umiiral na fiscal policies ng bansa sa susunod na administrasyon para makamit ang mas malakas na ekonomiya

Tiniyak din ni Diokno na bilang finance chief ay maingat niyang babalansehin ang pangangailangan na suportahan ang economic growth at mapanantili ang fiscal discipline.

Plano naman ni Diokno na panatilihin sa puwesto ang karamihan sa mga kasalukuyang undersecretaries ng DOF at si National Treasurer Rosalia De Leon kapag siya ay naupo na sa puwesto.

Pag-aaralan din ng incoming DOF secretary ang fiscal consolidation plan na inilatag ng outgoing government para mabayaran ang utang ng bansa bunsod ng pandemya.

Pero sa ngayon aniya ay masyado pang maaga na sabihin kung kailangan na taasan ang buwis o hindi.

Kampante naman si Diokno na nasa mabuting kamay ang BSP sa katauhan ni Monetary Board member Felipe Medalla na susunod na central bank chief.

Moira Encina

Please follow and like us: