BSP inabisuhan ang publiko na makipag-transaksyon lamang sa mga rehistradong payment service providers
Pina-alalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na makipag-transaksyon lamang sa mga rehistradong Operators of Payment Systems (OPS).
Sa ilalim ng mga regulasyon ng BSP, kabilang sa mga OPS ay ang cash-in service providers at bills payment service providers.
Ang mga OPS din ay ang mga entities gaya ng payment gateways, platform providers, payment facilitators at merchant acquirers na nagpapahintulot sa mga nagtitinda ng produkto at serbisyo na tumanggap ng bayad in cash o kaya ay digital form.
Alinsunod sa sirkular ng BSP, lahat ng OPS ay kailangang magrehistro sa central bank.
Para naman matiyak ng publiko na BSP-registered ang payment service operators ay maaari nilang tingnan ang listahan nito sa website ng BSP sa https://www.bsp.gov.ph/PaymentAndSettlement/COR.pdf
Hinimok din ng BSP ang publiko na iulat agad sa Payment System Oversight Department nila ang mga hindi rehistradong OPS.
Moira Encina