BSP inatasan ang BPI na magsumite ng updates sa nangyaring double debit transactions
Nakikipag-ugnayan na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BPI kaugnay sa double debit transactions na inireklamo ng BPI account holders.
Sinabi ng BSP na nadetermina na ng BPI ang sanhi ng operational error.
Siniguro na rin anila ng BPI na itatama ang erroneous transactions at maibabalik ang mobile at banking services nito sa lalong madaling panahon.
Kaugnay nito, pinagsusumite ng BSP ang BPI ng timeline at updates sa reversal nito ng double debit incident.
Sinabi naman ng BPI na inaasahan nila na sa loob din ng araw na ito ay maisasaayos ang duplicate transactions.
Inabisuhan din ng bangko ang mga kliyente nito na bunsod ng malaking volume ng inquiries sa online banking channels nito ay mahihirapan ang mga ito na ma-access ang BPI web at mobile app platforms.
Moira Encina