BSP iniutos ang pagtanggal ng e-sabong operators sa mga online apps
Ipinaaalis ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng electronic sabong (e-Sabong) operators mula sa listahan ng merchants sa online apps ng mga BSP-Supervised Financial Institutions.
Ang kautusan ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang lahat ng e-sabong operations sa bansa.
Sa memorandum na inisyu ni BSP Governor Benjamin Diokno, dapat lang makipagtransaksiyon ang mga BSPFIs sa mga gambling o online gambling businesses na pinapayagan ng pamahalaan ang operasyon.
Ipinagutos din ni Diokno sa mga BSPFIs na ipabatid sa kanilang mga kliyente na mayroon pa ring natitirang pondo sa e-sabong accounts na ilipat ito pabalik sa kanilang e-wallets sa loob ng 30 araw.
Pagkatapos naman ng 30 araw, dapat na i-disable ng BSPFIs ang link sa pagitan ng e-sabong accounts at e-money wallets kabilang ang e-sabong merchant operator accounts.
Moira Encina