BSP ipinanukala ang mas mabigat na parusa laban sa pamemeke ng pera at coin hoarding
Nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patawan ng mas mabigat na parusa ang pamemeke ng pera at gawing krimen ang coin hoarding.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ipapanukala ng central bank na dagdagan ang taon ng pagkakakulong ng mga counterfeiters ng salapi.
Alinsunod aniya sa kasalukuyang batas, ang counterfeiting ng pera ay may parusa na hindi bababa sa 12 taon at isang araw at multang Php 2 milyon.
Bukod dito, isusulong din ng BSP ang pagpasa sa batas at pagbuhay muli ng mga panukalang batas para gawing krimen ang coin hoarding at patawan ito ng karampatang parusa.
Sinabi ni Diokno na inihahanda na nila ang mga nasabing legislative proposals na layon na mapatatag ang currency operations at mapanatili ang integridad ng barya at salaping papel.
Moira Encina