BSP isinulong ang pagpasa ng batas laban sa hoarding ng malaking halaga ng barya
Nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas na magpasa ang Kongreso ng batas laban sa hoarding o pag-tatago ng malaking halaga ng barya.
Ito ay kasunod ng pagkakasabat ng mga otoridad ng stockpile mga pisong barya na nagkakahalaga ng P50 milyon sa
warehouse sa Brgy. Laging Handa sa Quezon City.
Sa inisyal na inspekyon, nadetermina ng BSP agents na ang mga pisong barya ay mula sa iba’t ibang design series.
Isinasailalim na sa pagsusuri ng BSP ang representative samples ng mga nakumpiskang barya upang mabatid ang authenticity nito.
Ayon sa BSP, nagreresulta sa inefficient na sirkulasyon ng mga barya ang coin hoarding at nahahadlangan ang pangunahing gamit nito bilang medium of exchange.
Nagbubunga din anila ito ng artificial shortage na nakakagambala sa financial system.
Kaugnay nito, hinimok din ng BSP ang publiko na iwasan ang hindi kinakailangan na pagtatago ng mga barya at sa halip gamitin ito na pambayad o i-deposito sa mga bangko.
Moira Encina