BSP nagbabala laban sa hindi otorisadong paggamit ng pangalan ng mga opisyal para manghingi ng salapi
Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga hindi otorisadong gumagamit sa pangalan ng mga opisyal at kawani nito upang humingi ng salapi.
Sa abiso ng BSP, nilinaw na hindi manghihingi o magsu-solicit ng donasyon at pera ang mga opisyal at tauhan ng Central Bank para sa alinmang organisasyon.
Dahil dito, pinayuhan ng BSP ang publiko na huwag magbigay ng anumang personal o pinansyal na impormasyon at huwag magpadala ng pera sa unverified o suspicious sources.
Hinikayat din ng Central Bank ang publiko na iulat sa BSP Communication Office o sa Consumer Protection and Market Conduct Office nito ang mga tao na hinihinalang iligal na ginagamit ang pangalan ng mga BSP officials o employees.
Moira Encina