BSP: OFW remittances tumaas ng 7% noong Hunyo
Tumaas ng 7% ang perang ipinadala ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa noong Hunyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, 7.3% ang itinaas ng personnal remittances ng overseas Filipinos na US$2.936 billion noong Hunyo ngayong taon mula sa US$2.737 billion noong June 2020.
Nagresulta ito sa pagtaas ng cumulative remittances sa
6.7% na US$16.616 billion sa unang half ng 2021 mula sa kaparehong panahon noong 2020 na US$15.573 billion.
Ang personal remittances o transfers ay tumutukoy sa mga salapi o in-kind na ipinadala sa pamamagitan ng informal channels.
Ipinaliwanag ng BSP na ang pagtaas sa total personal remittances noong Hunyo ay bunsod ng remittances na ipinadala ng land-based workers na may work contracts na isang taon o higit pa na tumaas ng 7.1%.
Gayundin, mula sa sea- at land-based workers na may work contracts na wala pang isang taon na tumaas ng 6.4%.
Samantala, umakyat din ng 7% ang cash remittances mula sa OFWs na ipinadala sa mga bangko na US$2.638 billion noong Hunyo mula sa US$2.465 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang pagtaas sa cash remittances mula Enero hanggang Hunyo ng 2021 ay mula karamihan sa US, Malaysia at South Korea.
Pagdating naman sa country sources, ang US ang nakapagtala ng pinakamalaking share overall remittances na 40.1% sa unang anim na buwan ng 2021.
Sinundan ang US ng Singapore, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, United Arab Emirates, Canada, South Korea, Qatar, at Taiwan.
Ang pinagsama-samang remittances mula sa 10 bansa ang bumubuo sa 78.4% ng cash remittances.
Moira Encina