BSP pinanatili ang mababang interest rates
Nagpasya ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas na panatilihin ang mababang interest rates sa bansa.
Ayon sa BSP, nananatili sa 2% ang interest rate sa overnight borrowing habang 1.5% at
2.5% ang overnight deposit at lending rates.
Sinabi ng BSP na ito ay para matulungan ang gobyerno na maibangon muli ang ekonomiya at ang mamamayan sa pagharap sa epekto ng pandemya.
Ibig sabihin nito ay makakautang ang mga negosyo at Pilipino sa mas mababang halaga.
Inihayag pa ni BSP Governor Benjamin Diokno na nakasalalay ang outlook para sa recovery sa mga napapanahong hakbangin upang maiwasan ang mas malalim na negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, crucial aniya sa pagsuporta sa ekonomiya habang tinitiyak ang kalusugan ng publiko ang pagpapabilis sa vaccination program at ang “recalibration” ng mga umiiral na quarantine protocols.
Moira Encina