BSP suportado ang mga panukalang amyendahan ang charter ng PDIC
Pabor ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga panukalang batas na mag-a-amyenda sa charter ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Ayon sa BSP, inaasahang mapalalakas lalo ng mga panukala ang pangangasiwa sa banking system ng bansa.
Kabilang sa mga panukalang amyenda ang organizational reforms para maging attached agency ng BSP ang PDIC.
Sinabi ng BSP na sa pamamagitan nito ay mapagbubuti ang policy coordination sa pagitan ng central bank at ng deposit insurance entity ng bansa.
Inaasahan din na mapaghuhusay ng mga reporma ang synergy ng BSP, PDIC at iba pang domestic financial regulators upang maisulong ang financial stability ng bansa.
Binanggit ng central bank na suportado rin ng International Monetary Fund ang mga panukala.
Moira Encina