BSP suportado ang panukalang batas laban sa cybercriminals na tumatarget sa mga bank accounts at e-wallets
Pinaboran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang batas na magpoprotekta sa mga financial consumers laban sa cybercrimes.
Sa statement ng BSP, sinabi na mapalalakas ng Senate Bill No. 2380 o ang “Bank Account, E-wallet, and Other Financial Accounts Regulation Act” ang legal framework para sa financial consumer welfare.
Ayon sa BSP, kinilala sa panukala ang pangangailangan para protektahan ang publiko mula sa mga cybercriminals at sindikato na tumatarget sa bank accounts at e-wallets.
Ito ay sa harap ng dumaring online transactions ngayong pandemya.
Tiwala ang BSP na mapatataas ng panukala ang kumpiyansa ng publiko sa electronic payments at maisulong ang financial stability ng bansa.
Sakop ng panukala ang phishing kung saan ang scammer ay nagpapakilalang legitimate o trusted entity para makakuha ng sensitibong impormasyon sa pamamagitan na iligal na pag-access sa online account ng isang tao.
Gayundin, ang pagbubukas ng bank e-wallet account sa ilalim ng pekeng pangalan o gumagamit ng pangalan ng ibang tao para makatanggap at makapagtransfer o withdraw mula sa suspicious activity o cybercrime.
Moira Encina