BSP tiniyak na matatag ang banking system ng bansa sa harap ng pangamba sa global banking crisis
Nananatiling “safe and sound” ang sistema ng pagbabangko sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bunsod ng pangamba sa global banking crisis dulot ng pagsasara ng Silicon Valley Bank at ilan pang high-profile banking loss.
Sa statement ng BSP, sinabi na nagpakita ng katatagan ang banking system ng Pilipinas sa pandemya at patuloy na malakas sa harap ng global markets turbulence.
Muling nilinaw ng BSP na ang mga bangko sa Pilipinas ay walang material exposure sa mga bumagsak na institusyon.
Kinikilala naman ng central bank ang mga aksyon ng banking supervisory authorities para matugunan ang potential contagion risk mula sa pagsasarado ng mga bangko.
Moira Encina