Bucor, pangangasiwaan muna ng mga OIC na next in rank – ayon sa Malakanyang
Ang mga next in rank o kasunod sa posisyon ng mga opisyal ng Bureau of Corrections o Bucor ang mangangasiwa muna sa kagawaran.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng pagkakadawit sa kontrobersiya ng matataas na opisyal ng Bucor.
Maliban kay Bucor chief Nicanor Faeldon na una nang sinibak ni Oangulong Duterte sangkot din sa katiwalian at iregularidad si Bucor Legal Chief Fredric Santos, Bucor Documents Division chief Staff Sgt. Ramoncito Roque at Dr. Ursicio Cenas ng NBP hospital.
Sa ngayon ay wala pang napipili si Pangulong Duterte na ipapalit sa sinibak nitong Bucor Chief Nicanor Faeldon.
Hindi naman masabi ni Panelo kung nagpatawag na si Pangulong Duterte ng special meeting kay Justice Secretary Menardo Guevarra para hingan ng briefing sa kasalukuyang sitwasyon sa Bucor at kung ano ang mga hakbang na ginagawa ngayon ng DOJ para lutasin ang mga nabunyag na katiwalian at anomalya sa pambansang piitan.
Ayon kay Panelo Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Senado gayundin ang Ombudsman at hinihintay ng Pangulo ang magiging resulta nito.
Ulat ni Vic Somintac