Budget deficit ng Pilipinas, pumalo sa 1.2 trillion ngayong last quarter ng taon
Umakyat sa kabuuang 1.2 trilyong piso ang budget deficit ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre ngayong taon, dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin ng gobyerno.
Sa datos ng Bureau of Treasury ang budget shortfall o kakulangan sa inaasahang budget para sa unang sampung buwan ng taon o mula Enero hanggang Oktubre ay lumobo sa 262.8 bilyong piso.
Sa naturang panahon gumastos ang gobyerno ng 3.31 trilyong piso kumpara sa kinita lamang nito na 2.37 trilyong piso.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez pinakamalaking gastusin ng gobyerno ang mga hakbang para tugunan ang Pandemya ng COVID-19 at ang maraming programang pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Ayon kay Dominguez ngayong taon target ng gobyerno na umutang ng 3 trilyong piso at 2.25 trilyong piso naman sa susunod na taon.
Inamin ni Dominguez na sa pagtatapos ng Setyembre, lumobo ang utang ng bansa sa 11.92 trilyong piso na mas mataas ng 27.2 percent mula sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Nilinaw naman ni Dominguez na kontrolado pa o pasok pa rin sa target ng gobyerno ang kasalukuyang utang ng bansa.
Vic Somintac