Budget deliberation ng Senado, nahinto dahil sa alak
Itinigil ng Senado ang pagtalakay sa budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), dahil sa pag-inom ng alak ng isa sa mga opisyal.
Sa kasagsagan ng budget deliberations sa panukalang 1.838 billion pesos budget ng PCOO pasado alas onse kagabi, ay sinita ng presiding officer na si Senator Sherwin Gatchalian si Dominic Tajon, general manager ng Apo Production Unit ng isang government operated and controlled corporation o GOCC sa ilalim ng PCOO.
Na-distract kasi ang mga senador dahil bukod sa hindi na maayos ang kaniyang kasuotan, ay lakad pa ng lakad si Tajon habang naka-online at nakita pa itong umiinom ng alak.
Giit ni Gatchalian, dapat ay nagpapakita ng tamang pag-uugali ang mga opisyal kahit ang mga pagdinig ay online ginagawa.
Isa aniya iyong public hearing kaya dapat magpakita ng respeto ang mga public official.
Ngayon araw ay inatasan na ang mga opisyal ng PCOO na pisikal na dumalo sa hearing.
Meanne Corvera