Budget ng NFA binawasan ng Senado
Nagkaisa ang mga Senador na tapyasan at ibaba sa siyam na bilyong piso ang 2023 budget ng National Food Authority mula sa dating P12 Bilyon.
Sa budget hearing sa Senado inihirit ni Senador Francis Tolentino ang pag-defer sa budget ng NFA.
Nagturuan kasi ang mga opisyal ng NFA, Department of Budget and Management at ang Department of Agriculture bakit dinagdagan ng P 3 billion ang budget ng NFA.
Pero nang tanungin si NFA Administrator Judy Carol Dansal, P2 billion lang ang hiniling nilang dagdag na pondo para sa subsidiya ng gobyerno sa buffer stocking program.
Inamin niya na kahit sa 9 billion pesos na budget mapopondohan pa rin ang kinakailangang 300,000 metric tons na buffer stock na bigas sa loob ng siyam na araw.
Dahil dito binawi ni Tolentino ang pag defer sa budget at inaprubahan ang budget ng ahensya pero kinaltasan ng 3 billion pesos.
Meanne Corvera