Budget ng PCOO, hindi muna inaprubahn ng Senado, Sec. Andanar, pinayuhang magsagawa ng reorganisasyon sa tanggapan
Hindi muna inaprubahan ng Senado ang panukalang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa 2019 na umaabot sa 1.475 billion pesos.
Sa halip pinayuhan ng Senador ang PCOO na magsagawa muna ng reorganisasyon.
Sinabi ni Senador JV Ejercito masyadong magulo ang information dissemination ng Malacañang.
Inirekomenda ng Senador na ibalik sa dating set up ang press attache ng Malacañang para palakasin ang imahe ng Pangulo at magkaroon ng iisang boses ang Malacañang.
Sa kasalukuyang proseso kasi ang Press secretary ang siya ring in-charge sa Communications Department habang ang Presidential Spokesman ang magsisilbi lamang na tagapagsalita ng Pangulo at wala nang hahawakang departamento.
Aminado si Ejercito na sa gagawing reorganisasyon maaring may mga mawalan ng trabaho.
Sa November 13 itutuloy ng Senado ang pagtalakay sa pondo ng PCOO.
Sen. JV Ejercito:
“It’s a good chance for them to re-organize to stay line and to make the new department, the new old department the Office of President Secretary to be more efficient. So may isang buwan pa naman I think they have the time to draw up the plan doon sa pagbalik sa office of Pres Secretary sana maging mas more efficient, sabi ko yung mga hindi na kaylangan, kung kaylangan tanggalin eh tanggalin. Yung mga kaylangang idagdag”.
Ulat ni Meanne Corvera