Budget ng sektor ng Agrikultura tututukan ng mga Senador
Ang sektor ng agrikultura ang tutukan ng mga Senador oras na talakayin na ang panukalang budget para sa susunod na taon .
Sinabi ni Senator Elect Francis Escudero na kailangang paglaanan ng mas malaking pondo at gastusan ang sektor ng agrikultura lalo ngayong nakaamba ang krisis sa pagkain.
Kailangan aniyang tulungan ang mga magsasaka para palakasin ang lokal na produksyon sa halip na mag -import ang gobyerno .
Giit naman ni Senador Sherwin Gatchalian, dapat ngayon pa lang naghahanda na ang gobyerno lalot hindi pa humuhupa ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Mungkahi ni Gatchalian, magpasa ng batas para sa subsidiya sa mga magsasaka para palakasin ang local production.
Band aid solution lang aniya ang ginagawa ng Department of Agriculture na umangkat ng mga produkto at hindi ito ang long term na dapat gawin ng gobyerno .
Pag- aaralan naman ni Senador Elect Raffy Tulfo ang pagrepaso sa rice tarrification law.
matapos kasing ipasa ang batas, naging malaya ang pagpasok ng bigas dahilan kaya maraming lokal na magsasaka ang nalugi.
Meanne Corvera