Budget proposal ng Office of the Vice president , agad na pinagtibay ng House committee on appropriations
Tumagal lamang ng halos limang minuto ang budget hearing ng House Committee on Appropriations na pinamumunaun ni Congressman Elizaldy Co sa pagdinig sa budget proposal ng Office of the Vice President na nagkakahalaga ng 2.292 bilyong piso.
Pagkatapos buksan ni Congressman Co ang budget briefing ng Office of the Vice President agad na nagkaroon ng motion si House Minority Leader Marcelino Libanan bilang pagbibigay galang sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay agad nang pagtibayin ang hinihinging budget para sa 2023.
Agad namang senigundahan ni House Majority Leader Congressman Manix Dalipe ang motion ni Minority Leader Libanan.
Ipinaabot naman ni Vice President Sara Duterte ang pasasalamat sa liderato ng Kamara partikular sa House Committee on Appropriations dahil mabilis na napagtibay ang pondo ng Office of the Vice President.
Vic Somintac