Budget Reform Act, aprubado na ng Senado
Inaprubahan na ng Senate Committee on Finance ang panukalang Budget Reform act.
Ang panukalag batas ang inaasahang solusyon sa mga kapalpakan sa public financial management at maabot ng gobyerno ang target na economic goal.
Sinabi ni Senador Loren Legarda, Chairman ng Senate Finance committee, sa pamamagitan ng senate bill 1761, maiiwasan na ang mabagal na budget execution, underspending at pagrereport sa mga pinagkagastusan ng pondo.
Lilimitahan na rin ang paglalabas ng savings batay sa ruling Supreme Court para hindi na maulit ang pag abuso gaya ng nangyari Disbursement Acceleration Program o DAP at Dengvaxia deal noong Aquino administration.
Ulat ni Meanne Corvera