‘Buhay na mga alamat’ sa larangan ng palakasan, siyensiya at sining, pinarangalan sa mga selyo

Photo from the PHLPost Facebook account

Ang Star for All Seasons, ang Superstar, isang national scientist, at isang Philippine basketball icon, ang kabilang sa sampung “living legends” na pinarangalan ng post office ng Pilipinas sa mga bago nilang selyo.

Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa kanilang main office ang kanilang “Living Legends: Outstanding Filipinos Series 1,” na kung tutuusin ay ikalawa na sa tatlong grupong serye ng mga selyo bilang paggunita sa ika-75 taong anibersaryo ng unang pagpapalabas ng mga selyo ng bansa.

Sa kaniyang talumpati sa ginanap na paglulunsad, sinabi ni Postmaster General Norman Fulgencio . . . “Some of you may be wondering why we have this kind of event. For the post office, it is important to honor and recognize our legends.”

Kumakatawan sa Philippine cinema ang aktres at mang-aawit na si Nora Aunor, na mas kilala sa tawag na Superstar sa kasagsagan ng kaniyang career na tumagal ng tatlong dekada; ang kaniyang screen rival, ang Star for All Seasons at ngayon ay Batangas Rep. na si Vilma Santos-Recto; Susan Roces, na tinatawag na Queen of Philippine movies noong dekada 60 at 70; ang beteranang aktres na si Gloria Romero at Rosa Rosal, na isa ring leading philanthropist.

Ang award-winning painter naman na si Romulo Galicano ang kumakatawan sa visual arts, at ang four-time World Champion bowler na si Olivia “Bong” Coo at basketball legend (na ngayon ay komisyuner ng Philippine Sports Commission) na si Ramon “El Presidente” Fernandez ang kumakatawan sa Philippine sports.

Sa siyensiya at teknolohiya, pinili ng post office na parangalan ang national scientist at physician na si Ernesto Domingo at ang kinikilala sa buong mundo na Filipino chemist na si Baldomero Olivera.

Ayon kay Fulgencio . . . “They have dedicated their lives and talents to the Filipino people. They deserve to be immortalized in our stamps to inspire not only Filipinos, but every nationality who will see our stamps. The stamps we issued today are not only meant for delivery of letters, but more importantly to deliver hope.”

Ibinigay ng post office sa mga kinatawan ng mga pinarangalan ang mga naka-frame na selyo bilang pagpupugay sa kanila.

Higit pa rito, ang mga selyo ay “sinasagisag kung ano ang kaya ng mga Pilipino — nasaan man tayo, sinuman ang ating kinakalaban at anuman ang kailangan.”

Ang unang grupo ng mga selyo ng “World-Renowned Filipinos” ay ipinakilala noong Nobyembre noong nakaraang taon. Ang huli ay magkakaroon ng temang “Hindi Nakalimutan” o “Never Forgotten,” at malapit nang i-anunsiyo ng PHLpost ang presentasyon nito.

Please follow and like us: