Build, Build, Build program hiniling na bilisan para makabawi ang ekonomiya
Pinamamadali ni Senador Sherwin Gatchalian sa Malakanyang ang konstruksyon ng mga kalsada, tulay at iba pang infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program habang puspusan ang Vaccination rollout.
Ayon kay Gatchalian, ito’y para makalikha ng mas maraming trabaho ngayong matindi na ang epekto sa ekonomiya ng Pandemya dulot ng Covid-19.
Sinabi ng Senador na marami pa rin sa mga apektado ng Pandemya ang hanggang ngayo ay walang trabaho at hirap ibangon ang pamilya.
Makatutulong rin aniya ang ibinibigay na ayuda ng Gobyerno sa mga Small and Medium enterprises ngayong pumalo sa negative 4.2 percent ang Gross Domestic Product ng bansa.
Ngayong ilalagay na rin aniya sa General Communty Quarantine ang Metro Manila Plus, naniniwala ang Senador na sisigla nang muli ang ekonomiya.
Pero sana aniya ay maging mas maingat ang publiko lalo na ngayong nakapasok na rin sa Pilipinas ang Indian variant.
Meanne Corvera