Bukol na tumutubo sa katawan, hindi dapat na ipagwalang bahala ayon sa mga eksperto
Karaniwan na sa sinuman ang tinutubuan ng bukol sa ibat’ ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Dr. Roel Tolentino, isang Oncologist, may mga bukol na benign, ibig sabihin ay hindi cancerous at mayroon din namang malignant na ang kahulugan naman ay cancerous.
Hindi naman basta basta malalaman kung ito ay benign o malignant kaya ang kailangan ito ay ipasuri sa isang eksperto.
Sa ganitong paraan ay malalaman ng pasyente kung ang bukol ay kailangang tanggalin o hindi.
Samantala, sinabi pa ni Dr. Tolentino na kung namamayat ng walang dahilan, namumutla at nanghihina ang katawan, dapat na magpa check-up, dahil ang mga nabanggit ay ilan sa mga sintomas ng Cancer.
Ulat ni: Anabelle Surara