Bulacan mayors suportado ang tambalang Marcos- Duterte sa 2022 Elections
Nagpahayag ng suporta ang mga alkalde at ang iba pang mayoral candidates sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan sa UniTeam tandem na sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr., pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter, lumagda sa manifesto ng suporta sa BBM- Sara tandem ang 14 na incumbent mayors at tatlong iba pang kandidato sa pagka-alkalde
Sinabi ni Cruz na congressional candidate sa ika-limang distrito ng Bulacan na tiwala ang mga lokal na lider sa Bulacan sa liderato nina Marcos at Duterte-Carpio.
Ang mga Bulacan mayors na sumusuporta sa UniTeam ay sina Eladio Gonzales Jr. ng Balagtas, Jose Santiago Jr. ng Bocaue, Francis Albert Juan ng Bustos, Ricky Silvestre ng Marilao, Mary Ann Marcos ng Paombong, Roderick Tiongson ng San Miguel, Cipriano Violago Jr. ng San Rafael, Raulito Manlapaz ng Hagonoy, Arthur Robes ng City of San Jose Del Monte, Edwin Santos ng Obando, Russel Pleyto ng Sta. Maria, Narding de Leon ng Angat, Ferdie Estrella ng Baliuag at Vergel Meneses ng Bulakan.
Pumirma rin sa manifesto ang ilang mayoral candidates na sina dating mayor Christian Natividad ng Malolos City, ex-mayor Geronimo Cristobal ng Norzagaray at Cris Castro ng Pandi.
Ang manifesto ay personal na ibibigay kina Marcos at Duterte-Carpio.
Madelyn Moratillo