Bulacan Vice- Gov. Alvarado, tiwala na dadalhin ng Bulacan si BBM
Kampante si Bulacan Vice- Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na mananalo sa lalawigan nila sa eleksyon si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Alvarado, sa kanyang paglilibot gaya sa malalayong lugar sa Bulacan ay si Marcos ang pinagkakatiwalaan nila na maging lider ng bansa.
Noong Marso 8 ay nagsagawa ng campaign rally sa Guiguinto, Bulacan si Marcos at ang running mate nito na si Inday Sara Duterte at ang senatorial slate ng UniTeam.
Sinabi ni Alvarado na noong 2016 Elections si Marcos ang nanalo sa pagka-bise -presidente sa Bulacan.
Nakuha ni Marcos sa 2016 Vice-Presidential race ang 42.50% o 556,480 na boto sa probinsya at higit 190,000 na boto ang lamang nito kay Leni Robredo.
Ang Bulacan ang pang-lima sa vote-rich province sa 2022 elections na may lagpas 2 milyong registered voters.
Madelyn Moratillo