Bulkan sa Iceland muling sumabog sa ikatlong pagkakataon
Muling sumabog ang isang bulkan sa Reykjanes peninsula sa southwestern Iceland, ang ikatlo simula noong Disyembre ayon sa mga awtoridad.
Sa live video images ay makikita ang nagliliwanag na lava na umaagos mula sa isang bitak, at makapal na usok na pumapailanlang sa kalangitan sa kadiliman ng gabi.
Sa pahayag ng Icelandic Meteorological Office (IMO), “At 5:30 this morning intense small earthquake activity began northeast of Sylingarfell. About 30 minutes later, an eruption began in the same area.”
Dagdag pa ng IMO, base sa inisyal na assessment ng Coast Guard mula sa isang flyover, ang bitak ay nasa tatlong kilometro o 1.86 milya ang haba.
Billowing smoke and flowing lava are seen pouring out of a new fissure in this Icelandic Department of Civil Protection and Emergency Management , February 8, 2024, handout image during a new volcanic eruption on the outskirts of the evacuated town of Grindavik, western Iceland. A volcanic eruption started on the Reykjanes peninsula in southwestern Iceland on Thursday, the third to hit the area since December, authorities said. (Photo by Icelandic Department of Civil Protection and Emergency Management / AFP)
Naganap ito sa parehong lugar tulad ng dalawang nakaraang pagsabog. Ang una noong Disyembre 18 at ang pangalawa noong Enero 14, malapit sa Grindavik fishing village na nilisan na ng mga residente.
Ang Iceland ay tahanan ng mahigit sa 30 aktibong volcano systems, pinakamataas na bilang sa Europe.
Hanggang noong March 2021, ang Reykjanes peninsula ay hindi nakaranas ng pagsabog ng bulkan sa loob ng walong siglo.
Ang pinakahuling mga pagsabog ay nangyari noong August 2022, at July at December 2023, na nagudyok sa mga volcanologist upang sabihin na malamang na simula na ito ng mga bagong volcanic activity sa rehiyon.